ordinaryong mamamayan
nag-tapos ako ng pag-aabogasya. may sinapit na kamalasan; kaya’t muling naghihintay sa panahong ideklara ng korte suprema na ako’y isa nang ganap na abogado.
sa ngayon, ako ay nag-hahanap ng trabaho — yung may kinalaman naman sana sa pinag-aralan ko. medyo nahihirapan ako kasi:
- inuusisa at malaki rin ang bearing sa ibang tao ang september 2004;
- may ‘mali’ sa aking transcript
- wala akong mga ‘connections’! — at ang mga alam kong ‘friends’ ni papa, mas nais kong isiping ‘friends’ na lang sila at manatiling ganun kesa maging boss at mabuksan ang relasyon sa posibilidad na ‘bad vibes’ balang araw (kumbaga better off as ‘friends’ than ‘bosses’). isa pa, nais kong isipin na sa sarili kong sikap, tiyaga, at kakayanan (na hindi gumagamit ng ‘connections’ o kaya’y umaasa sa mga ‘kakilala kuno’); makakahanap din ako ng trabaho na angkop para sa akin.
sabi ni kris, sa panahon ngayon, ‘idealistic’ set-up ang aking hinahangad. ngunit, umaasa pa rin ako na sa kalbaryo kong ito bilang ‘ordinaryong mamamayan,’ mapapasakatuparan pa rin ang aking ordinaryong ambisyon.
Comments(0)
